Siguro ganun talaga kapag walang magawa.
Naghahanap na lang ng magagawa. Hehe
Pero realistic lang akong tao.
Ako ang tipo ng tao na ayokong nabibigla.
Hindi ko kasi alam kung paano magre-react.
Meron akong best boy bud.
Bestfriend pero lalaki.
Nakilala ko sya nung high school kami.
Kaibigan sya ng EX ko.
Kasama rin sya sa SEBO (yun yung pangalan ng boy group na super love namin ng mga girlfriends ko.)
High school pa lang kami, super close na kami. AS IN.
Sya pa nga lagi ugat ng LQ namin ng ex ko.
Basta.
Hindi ko alam pero sobrang at ease ako sa kanya.
Lagi ko nga syang sinusungitan at inaaway. (I'm sorry. I'm such a meanie. Hehe ganyan ako magmahal ng kaibigan.) :P
Lahat nasasabi ko sa kanya. As in anything.
Nung nag-break kami ng ex ko, lagi syang nasa tabi ko.
Natatandaan ko pa, muntik na akong umiyak sa harap nya kasama ng mga girlfriends ko nung nagkukwento ako, haha High school ehh. Alam mo na, akala mo totoo na. Pero teary eyed lang talaga ako nun. Haha
Kakwentuhan ko pa sya magdamag sa cellphone nun tungkol sa break up issue.
You know what's best having a guy friend? It's the privileged of having an unbiased answer. Lahat ng tanong ko sinasagot nya kung ano ba talaga yung gusto nyang sabihin.
Umuusok na nga ehh cellphone ko nun ehh.
Nung sixteenth birthday ko, bumili sya ng cake at ice cream sa akin. Parang kinantsawan ko lang naman sya nun.
Tapos kapag my anda, nanlilibre sya ng ice cream kasama yung mga girlfriends ko.
Nung nag-Ecopark kami, sya ung reason kaya nakasama si Bern.
Tapos last valentines binigyan nya ako ng red roses. Hindi ko talaga inaaasahan yun kaya sobrang na-surprised ako.
Marami na syang nagawa para sa akin. Pero yung hindi ko talaga makakalimutan, nandun sya nung mga panahong kailangan ko ng kaibigan.
Super totoo yan! SWEAR!
Kahit mukha na syang tanga sa mga corny nyang quotes at pick up lines, wala lang sa kanya.
Kahit na ako yung unang nang-away, sya pa rin yung magso-sorry. Kasi sabi nya, mapapadali daw yung 2012 para sa kanya kapag nagalit ako. Haha (takot sa akin weh. :P)
Tapos kapag nalulungkot ako, he's just a text away. Gagawin nya lahat para lang mapasaya ako. Para tumahan na ako.
Pagdating naman sa inuman kapag may session, sinasagot nya yung para sa akin. He's the man you can always count on.
PERO, hindi ko ginustong ma-inlove sya sa akin.
Hindi ko talaga inaasahan yun.
Hindi ko rin sya masisi. Mas lalong naging close kasi kami mula nung break up.
Alam ko sa sarili kong hindi ko sya tinignan sa paraang tiningnan ko yung kaibigan nya.
Pero alam ko rin sa sarili ko na kapag hindi nya tinigil yang kalokohan nya, TROUBLE.

Tapos lately, iba ehh.
Iba talaga sya.
Ayokong mag-assume pero hindi lang naman ako yung nakakapansin.
Sa mga group messages nya, sinasabi nyang inlove sya sa kaibigan nya.
Basta yung mga ganun. Ehh assuming ako kaya feeling ko ako yun.
Pero hindi naman ako mag-iisip ng ganun kung wala akong batayan. Reasonable akong tao.
Kapag ino-open ko yung usapang lovelife, ayaw nya magsalita. Basta ang sabi nya lang, I quote, "Basta ayoko. Ayoko sa iba." tapos ngayon sa kakapilit ko sa kanya may sinabi pa sya, I quote again, "Basta. Yung tungkol sa lovelife na naghihintay sa wala." Akala nya tatawanan ko sya kasi ganun yung madalas 'kong ginagawa, pero hindi ngayon. Wala akong karapatang tawanan yung nararamdaman nya. Sino ba ako diba?
Ang inaalala ko lang kasi, naghihintay sya. Alam ko kahit hindi nya sabihin, umaasa sya. At yun ang ayokong mangyari sa kanya. Yung ako mismo yung gagawa sa kanya ng bagay na yun. Masyadong komplikado.
Hindi ko alam kung bakit kailangan 'kong isipin yung mga ganitong bagay. Pero gumugulo talaga sa isip ko 'to.
Alam ko may choice ako. May dalawang scenario na pwede kong pagpilian.
PS: If you happen to read this crap, gusto ko lang sabihin na importante ka sa akin. Kahit anong mangyari hindi na mababago yun. :) I thank you for everything.
Pero hindi naman ako mag-iisip ng ganun kung wala akong batayan. Reasonable akong tao.
Kapag ino-open ko yung usapang lovelife, ayaw nya magsalita. Basta ang sabi nya lang, I quote, "Basta ayoko. Ayoko sa iba." tapos ngayon sa kakapilit ko sa kanya may sinabi pa sya, I quote again, "Basta. Yung tungkol sa lovelife na naghihintay sa wala." Akala nya tatawanan ko sya kasi ganun yung madalas 'kong ginagawa, pero hindi ngayon. Wala akong karapatang tawanan yung nararamdaman nya. Sino ba ako diba?
Ang inaalala ko lang kasi, naghihintay sya. Alam ko kahit hindi nya sabihin, umaasa sya. At yun ang ayokong mangyari sa kanya. Yung ako mismo yung gagawa sa kanya ng bagay na yun. Masyadong komplikado.
Hindi ko alam kung bakit kailangan 'kong isipin yung mga ganitong bagay. Pero gumugulo talaga sa isip ko 'to.
Alam ko may choice ako. May dalawang scenario na pwede kong pagpilian.
OR
And I hope I will do the right thing.