The very first hang-out of Gm was in Antipolo, at Cecil's residence.
Saya pa nga kasi kami lang talaga yung tao dun sa bahay tsaka si Ate Jack.
Memories were crystal clear in my mind.
Tanda ko yun kasi nag-fake ako na may klase ako para maka-alis ng bahay. Hehe ;p
Nagkita pa kami ni Ate Lea sa Ligaya kasi hindi ko alam papunta sa Antipolo.
Yung tipong 2pm na kami nakakain ng lunch kasi hindi marunong mag-ihaw sila Joy at Paolo. :p
Tapos sumakay ng trike sila Joy at Paolo at nagpapahatid sa EDGE TWO. Ang sagot ng driver, "'SAN YUN?!"
Yung nagluto si Ate Jack ng adobong maanghang na na-enjoy ko kahit na hindi ako kumakain ng maanghang. Hehe
Yung trip na lahat ng sulok ng bahay nila Cecil may picture kami. Sa CR lang yata yung wala.
Yung tanga pa ako maglaro ng Plants VS. Zombie at nag-aagawan sila Joy at Paolo sa computer.
Yung gumawa kami ng coffee jelly nila Mean tapos may take out pa.
Yung kalokohang walang humpay.
Yung wala kaming dalang digicam kaya cellphone na lang ni Ate Lea at Rose yung gamit namin.
Yung naglakad kami paakyat habang umaambon para sumilip sa clubhouse tapos si Ate Lea nagpaiwan sa bahay dahil TINATAMAD maglakad. :D
Tapos yung jumpshots hanggang sa mapagod sa kakatalon.
Yung uminom kami ng The Bar na inabot ng siyam-siyam. Haha
Pagkakaalam ko may gulay pa nun ehh. Hindi nga lang ako kumain. Hehe
Dun din nag-originate yung mga alias namin
Please correct me if i'm wrong, LATE ba si Paola nun? HAHA
Tapos ngayon, two years na kami.
Kami pa rin naman 'toh.
Ang pinagkaiba lang, degree holder na kami.
Tapos may baby Superman na kami.
Kami pa rin yung dating ...
GRUPONG MATAKAW
> Yung tipong kapag kumain kami parang dinaanan ng bagyo. Kawawa ang pa-demure kumuha ng parte. Pero the best talaga dyan sila Cecil at Joy ehh. Kami pa rin yung naglalabas ng pera hanggang sa may kayang ilabas para lang ipampatak. Yung adik sa WOF at DMX.
GRUPONG MASIYAHIN
> Yung tipong kapag magkakasama kami walang humpay na tawanan. Yung iiyak ka na sa sobrang tawa at ikaw na lang susuko dahil masakit na yung panga at tyan mo. Yung "NO DULL MOMENT"
GRUPONG MAGKAKASAMA hanggang sa dulo
> Alam ko, medyo imposible na 'to. Kasi yung iba malayo na. Pero pwede ba guys patunayan nating hindi sa graduation matatapos yung pagkakaibigan natin? Kung gusto naman may paraan diba? Patunayan nating tayo yung barkada na magkakasama pa rin hanggang sa wala na akong makuhang ninong at ninang sa inyo dahil ako yung huling mag-aasawa. HAHA Tayo yung magbabarkadang magkakasama sa lungkot at saya. Yung magbabarkadang sabay-sabay aabutin yung mga pangarap natin.
HAPPY TWO YEARS GUYS!
MANY YEARS TO COME.
I<3U so much!